Tututukan
Metro

Jeepney drivers na sobrang maningil, tututukan ng LTFRB

Tututukan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper ng jeep na naniningil ng sobrang pasahe sa kanilang pasahero.

Sa pagdinig sa petisyon ng jeepney operators sa dagdag-pasahe, sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na ite-test nila ang ruta ng mga jeep dahil posibleng nagpapataw ng karagdagang pasahe ang ilang driver.

Pinayuhan ni Lizada ang jeepney operators na huwag mag-charge ng sobra-sobra sa mga mananakay at ayusin ang pagpapatakbo ng unit.

Sa LTFRB hearing ay ibinunyag ni Aris Acao, commuter mula sa Bicol na labing anim na piso (P16) hanggang bente pesos (P20) ang sinisingil sa kanya sa pasahe ng tsuper para sa 7.9 kilometers na biyahe.

Sinabi ni Acao na kung kokompyutin ng tama ay dapat ay nasa katorse pesos lamang ang kanyang pasahe.

Nasa walong piso ang kasalukuyang minimum fare sa jeep, karagdagang piso at singkwenta sentimo naman sa kada susunod na kilometro.

Pinakabagong teknolohiya, gagamitin ng MMDA

Samantala, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumamit ng pinakabagong teknolohiya para maresolba ang trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, humahanap ang ahensya ng makabagong solusyon para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa kalakhang Maynila at makontrol din ang pagbaha.

Sa datos ng MMDA, mahigit dalawang milyon animnaraan ang mga sasakyang dumadaan sa mga kalsada sa Metro Manila noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *