Magbibigay ng pondo
International

Japan, magbibigay ng pondo sa NoKor para sa denuclearization

Magbibigay ng pondo ang bansang Japan sa North Korea upang tuluyan at mabilis ng maisakatuparan ang denuclearization program.

Ayon pa sa isang pahayag sa media, hangad ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na nais nilang magbigay ng tulong sa bansa para na din sa mapayapang Korean Peninsula.

Magkakaroon ng mabuting pakinabang ang parehong bansa kapag tuluyan ng natanggal ng Pyongyang ang nuclear program.

Kung matatandaan ipinangako ni US Secretary of State Mike Pompeo na tuluyan ng maaalis ang nuclear program sa north korea sa taong 2020.

Nakatulong ang matagumpay na Summit nina US President Donald Trump at North Korea lider Kim Jong-Un noong June 12 sa Singapore upang maisulong ang programang pagtigil sa nuclear program ng NoKor.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *