Sports

James Harden, kinapos sa Game 1 vs GSW

Naging dikdikan ang paghaharap sa Game 1 ng defending champion na Golden State Warriors at Houston Rockets sa kanilang Game 1 sa West Conference Finals.

Sa first quarter pa lamang ng kanilang laro, nagbitiw agad si James Harden ng 9 points para itala ang 9-2 score run laban sa Warriors.

Nagawa namang mapanatili ng rockets kanilang 7 puntos na kalamangan hanggang huling limang minuto ng kanilang laro.

Pero bago matapos ang unang quarter ay nagawang maibaba ng warriors ang kalamangan ng Rockets sa isang puntos sa iskor na 30-29.

Nagtabla naman sa iskor na 56 points ang dalawang koponan sa pagtatapos ng first half.

Sa pagpasok ng third quarter

Dito na lumamang ang Warriors at napanatili ito hanggang matapos ang kanilang laban sa iskor na 119-106.

Nanguna naman para sa panalo ng Warriors si Kevin Durant na tumipa ng 37 points at 3 rebounds.

Nag-ambag naman ng 28 points si Klay Thompson at Stephen Curry ng 18 points para sa panalo ng Warriors.

Hindi naman umubra ang 41 points ni Harden at 23 points ni Chris Paul para bitbitin ang Rockets sa kanilang laro.

Nakatakda namang ganapin ang Game 2 sa pagitan ng dalawang koponan sa Huwebes (araw dito sa Pilipinas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *