Isulan
Regional

Facial composite sketch ng suspek sa Isulan Bombing, inilabas

Inilabas na ngayong araw ng Philippine National Police ang computer facial composite sketch ng isa sa mga suspek ng Isulan Bombing.

Ang naturang suspek ang siyang isa sa  mga nagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang naturang composite sketch ay base sa paglalarawan ng mga testigo bago maganap ang pagsabog.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, inilagay ang improvise explosive device o IED sa ilalim ng motorsiklo na pag-aari ng isang CAFGU.

Naniniwala naman si Albayalde na hindi iisang tao ng nasa likod ng pagpapasabog.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa naturang insidente.

Ikinasawi ito ng tatlong katao at ikinasugat ng nasa higit tatlumpung iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *