binatikos
National

‘Ipederalismo’ video ni PCOO Asec Mocha Uson, bastos

Inulan ng binatikos ang video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar kaugnay sa information drive ng Federal government.

Base sa video, sinayaw ni Olivar ang kakaibang lyrics ng Ipederalismo chant.

Kung pakikinggan ang lyrics, malaswa ito sa pandinig.

Sa reaksyon dito ng mga senador, sinabi ni Sen. Chiz Escudero, kabastusan, bulgar at walang lugar sa lipunan ang “Pepedederalismo video.”

Ipederalismo video, bastos at bulgar

Nagpapakita rin  ang naturang video ng pagkadesperado na makuha ang atensyon sa publiko ang Pederalismo.

It is downright vulgar and has no place in the public discourse on such an important issue as THEIR proposed shift to federalism & Charter change!” ayon kay Sen. Chiz Escudero

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, nakakababa ng pagkatao lalo na sa kababaihan ang video at nakakahiya ang ginawa ni Uson.

“Isang malaking insulto sa opisinang nirerepresenta ni Asec Uson, isang malaking kabastusan sa mga kababaihan at isang malaking kasayangan sa pera ng bayan.”

Para naman kay Senate Minority Leader Francis Pangilinan, kababuyan at kalaswaan ang tawag sa ginagawa nila Uson at Olivar.

“Kababuyan at kalaswaan ang tawag sa ginagawa nila at hindi public service.” – Sen. Kiko Pangilinan

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, ang naturang ginawa na video ay hindi ang klaseng public information material na inaasahan mula sa pamahalaan at ng isang government official.

“This is not the kind of public information materials we expect from a government agency and a government official.”

Pederalismo, hindi birong usapin

Sinabi naman ni Senador Nancy Binay na hindi biro-biro ang usapin ng Pederalismo.

“…even the most educated university professor finds federalism as a complicated subject. Nakalulungkot that the seriousness of the discourse has been downgraded to the lowest of forms.” – Sen. Nancy Binay

Para naman kay Senador Panfilo Lacson, kahit wala si Uson ay patay na ang Charter Change and Federalism sa senado at hinihintay na lang ang cremation nito.

“Without Mocha Uson, federalism is already dead and awaiting cremation at the Senate.

With Mocha Uson, the ashes should be thrown far, far away from the Philippines’ 7,107 beautiful islands.” – Sen. Panfilo Lacson

Pinapaleave na muna ni Senador Koko Pimentel si Asec Uson kasunod ng ginawa nito.

Dagdag pa ng senador na hindi niya inakala na bababuyin lang pala ang kawsa ng Pederalismo.

Sa panig ni Asec Mocha, iginiit nito na walang inilabas na pera sa pag-shoot ng naturang video.

Ginawa aniya nila ang video bago pa man siya kinuha bilang bahagi ng information campaign kaugnay sa Pederalismo.

Iginiit din nito na hindi siya ang opisyal na tagapagsalita tungkol sa Pederalismo bagkus ay tumutulong lang siya para mapalaganap ang impormasyon ng kampanya sa social media.

 SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *