El Nido
Regional

Ipatutupad na rehabilitasyon sa El Nido, pinag-aaralan na

PINAG-aaralan na ngayon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang isasagawang rehabilitasyon sa El Nido, Palawan.

Kabilang ang naturang lugar sa pangunahing tourist destination sa bansa.

Personal na tinungo ang lugar nina DENR Secretary Roy Cimatu, DILG Secretary Eduardo Año at Tourism Secretary Bernadette Puyat.

Para planuhin ang gagawing rehabilitasyon nito.

Kasama namang nag-inspeksyon sa lugar ng mga naturang opisyal ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng El Nido.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang Oplan Linis Workers ng lokal na pamahalan ng El Nino sa beachfront.

Una nang sinabi ni Cimatu na hindi isasara sa turista ang El Nido tulad ng ginawa ng gobyerno sa Boracay.

Tanging mga establisyemento lamang na may mga paglabag ang ipasasara.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *