International Day
Metro

International Day for Biological Diversity, ipinagdiwang

Ipinagdiwang ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 2018 International Day for Biological Diversity (IDBD) sa National Museum sa Maynila.

Kasabay ng naturang selebrasyon ay ang book launching at ceremonial turn over ng isang animal replica.

Ang librong inilunsad ng DENR ay pinamagatang “Guidebook to Protected Areas of the Philippines”.

Isang ceremonial turn over naman ang ginanap para sa replica ni Lolong, ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo.

Nagbigay naman ng kanyang welcome remarks si Mr. Jeremy Barns, Director ng National Museum of the Philippines na sinundan naman ng keynote message ni Environment Secretary Roy A. Cimatu.

Nagtapos naman ang programa sa isang mensahe mula kay Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Crisanta Marlene Rodriguez.

Ang IDBD ay ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng Mayo para gunitain ang adoption ng convention on biological diversity.

Ulat ni : Cresilyn Catarong

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *