inflation rate
National

Inflation rate nitong Nobyembre, bumaba sa 6%

BUMABA na sa unang pagkakataon ngayong taon ang inflation rate ng bansa.

Matapos maitala ang pinakamataas na inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at halaga ng serbisyo

Nangyari ito nitong buwan ng Setyembre at Oktubre na umabot sa 6.7 percent.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumaba sa 6 percent ang inflation rate nitong Nobyembre.

Ayon sa PSA, mababa ito ng point 7 percent, mula sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.

Kung saan naitala ang pinakamabilis na inflation sa nakalipas na mahigit siyam na taon.

Kabilang sa tatlong pangunahing dahilan ng mabagal na inflation noong nakaraang buwan ay ang food at non-alcoholic beverages.

Gayundin sa housing, water, electricity, gas at other fuels at transport.

Una namang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Dept. of Finance na bababa ang inflation nitong Nobyembre.

Dahil na rin sa patuloy na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

At pagdagsa ng suplay ng bigas sa merkado at paglakas ng piso kontra dolyar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *