Indiana Pacers
Sports

Indiana Pacers, nakapagtala na ng tatlong sunod na panalo

PATULOY ang pag-arangkada ng koponan ng Indiana Pacers matapos masungkit ang ikatlong sunod na panalo.

Dinomina at di pinaporma ng Pacers ang koponan ng Utah Jazz ngayong Martes na nagtapos sa victory score na 121-94.

Umambag naman si Bojan Bogdanovic ng 21 points habang nakapagtala naman ng 19 points ang manlalarong si Domantas Sabonis.

Ito na nga ang ikatlong sunod na panalo ng Pacers matapos payukuin din ang koponan ng Miami Heat at Atlanta Hawks.

Sa ngayon ay may 11 win – 6 loss standing na ang team ng Indiana Pacers.

Sunod naman na makakaharap ng Pacers ang Charlotte Hornets sa Huwebes, Nobyembre 22.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *