Sports

Import Ratliffe nagpasikat sa panalo ng Star kontra-TNT


Nagpasikat ang import ng Star Hotshots na si Ricardo Ratliffe sa kanilang laban kontra-TNT KaTropa.
Nakagawa si Ratliffe ng 37 puntos at 22 rebounds samantalang nagdagdag naman si Paul Lee ng 17 puntos, limang rebounds at limang assists.
Sa unang quarter ng laban, tinambakan ng TNT ang Star sa iskor na 35-22 pero nagpaulan ang huli ng 38 puntos sa ikalawang quarter para dalhin sa 60-59 ang laban.
Tuluyan nang naungusan ng Hotshots ang KaTropa pagdating ng third quarter, 84-72 hanggang sa magwakas ang sagupaan sa 100-97 iskor.
Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Star na may record na 7-2 samantalang bumagsak naman sa 6-3 ang record ng KaTropa.
 
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *