Sisimulan
National

Impeachment laban sa SC justices, tatalakayin sa Kamara

Sisimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang impeachment complaints laban sa pitong Supreme Court associate justices na bumotong pabor sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Committee Chairman Salvador Leachon, target nilang talakayin ang impeachement complaint sa Setyembre a-kuwatro.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang bagong talagang Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro, Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Alexander Gesmundo, Francis Jardaleza at Noel Tijam.

Tiwala ang Malakanyang na maibabasura ang reklamo laban sa pitong Supreme Court justices.

Kabila nito, nanindigan si Leachon na hindi maiimpluwensyahan ng Malakanyang ang pagdinig sa kaso.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *