National

Immunity para sa pamilya Marcos, tinutulan ni dating CHR Chief Etta Rosales

Pabor si dating Commission on Human Rights Chief Etta Rosales sa balakin ng pamilya Marcos na ibalik ang nakaw na yaman nito sa kaban ng pamahalaan ngunit tutol naman ito sa planong pagbibigay ng immunity.
Pakiusap lang ni Rosales na huwag maging basehan ito ng pagsasawalang bisa sa mga deka-dekada nang kaso ng pamilya Marcos.
Ani Rosales may pananagutan pa rin ang mga Marcoses sa taumbayan sa ilang libong buhay na nabuwis sa ilalim ng diktadorya ng pamilya nito noong nanunungkulan pa ito bilang first family ng bansa.
Hirit pa ng dating CHR Chief na huwag nang palitan ang pcgg kundi mas mainam aniya na palakasin nalang ang kapangayarihan nito lalo na sa pagbawi ng ill-gotten wealth ng mga Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *