National

External independent audit team, iminungkahi sa Philhealth

Kailangang magkaroon ng external independent audit team ng Philhealth para sa mapagkakatiwalaang assessment sa financial status ng ahensya.

Ayon kay dating Health secretary Janette Garin, ito ay dahil sa maraming pang-aabuso at mismanagement sa financial office ng Philhealth.

Winelcome naman ni Garin ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya kung saan ang pinakahuli ay ang kasong graft na inihain ni Interim Philhealth President Celestina Ma. Jude dela Serna.

Sinabi ng dating Health secretary na mas magandang isampa na ang lahat ng kaso laban sa kanya para hindi na masayang ang pera ng tao sa mga hearing na walang katapusan.

Philhealth President Jude dela Serna, pinasisibak

Ipinasisibak ni Negros Oriental Representative Arnie Teves kay Pangulong Rodrigo Duterte si Philhealth President Celestina Ma. Jude dela Serna.

Ayon kay Teves, inamin sa kanila ni dela Serna na tumira siya ng isang taon sa isang hotel na ginastusan ng Philhealth.

Base sa nakitang resibo ni Teves, tumira si dela Serna sa Legend Villa kung saan 3,800 pesos ang bayad kada araw.

Una nang sinita ng Commission on Audit (COA) si dela Serna dahil sa mahigit animnaraang libong pisong gastos sa biyahe nito mula Tagbilaran at Metro Manila.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *