National

Imee Marcos pinaiimbestigahan ng Kamara


Pinaiimbestigahan ng Kamara si Ilocos Norte Governor Imee Marcos dahil sa umano’y kuwestiyonableng pagbili ng milyong pisong halaga ng mga saksakyan na ginagamit ng barangay officials.
    Bigo diumano si Marcos at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na makadalo sa unang pagdinig ng House Committee on Good Government and Accountability.
    Magugunitang pina-subpoena ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas si Marcos dahil sa pagbili ng mga segunda-manong sasakyan ng pamahalaan ng Ilocos Norte gamit ang milyong pisong excise tax funds.
    Ang nasabing ano­malya ay nadiskubre umano matapos na magreklamo ang barangay officials na nabigyan ng mga sasakyan na wala silang hawak na registration, kaya lagi silang nahuhuli ng Land Transportation Office (LTO) at sila rin ang nag-aabono sa gas nito dahil walang pondo ang barangay para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *