misecounter
Regional

Imbestigasyon sa misencounter sa Samar, ilalabas ngayong linggo

Ilalabas ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon sa madugong misecounter sa Sta. Rita, Samar.

Ito’y ayon kay Police Regional Office-8 Spokesperson Police Supt. Gerardo Avengoza, kung saan anim na pulis ang nasawi at siyam na iba pang ang sugatan.

Hindi pa tinukoy ni Avengoza kung anong araw ilalabas ng Board of Inquiry (BOI) ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, magsasagawa ng deliberasyon ang PNP at AFP kaugnay sa ginagawang imbestigasyon, ngayong araw ng lunes.

Sa ngayon ay tukoy na ng Board of Inquiry ng AFP kung sino ang may pagkukulang at paglabag sa standard operating procedure.

Naniniwala si PNP Chief Oscar Albayalde na nagkaroon ng problema sa level coordination kaya nangyari ang misencounter incident.

May pananagutanangsundalo at pulissamisencounter- Lorenzana

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenza  nakapwa may pagkakamali at pagkukulang ang mga sundalo at pulis sa nangyaring misencounter sa Samar.

Ito ang inaasahan ni Lorenzana nalalabas sa resulta ng imbestigasyon.

Sinabi ni Lorenzana na bilang opisyal na nangunguna sa operasyon dapat magkaroon ng sound judgement at tukuyin kung sino at anong grupo ang kanilang namataan.

Iginiit ng defense chief na mahalaga ang magiging wise judgement ng isang opisyal lalo na sa isang combat operation.

Pero ayon sa kalihim, aksidente at hindi sinasadya ang nangyari.

Sa ngayon ay patuloy ang joint investigation ng PNP at AFP sa nangyaring misencounter.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *