imbestigasyon
National

Imbestigasyon ng pabahay sa mga biktima ng Yolanda, magpapatuloy

Tiniyak ni Senador JV Ejercito na ipagpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang pabahay para sa mga biktima ng super typoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Ayon kay Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, may kapabayaan sa panig ng mga kompanya, kontraktor at National Housing Authority (NHA) sa naturang proyekto.

Sinabi ni Ejercito na substandard ang mga materyales na ginamit sa pabahay at maging ang lokasyon nito sa kabila na malaki ang ginastos ng gobyerno para sa naturang proyekto.

nabatid na wala pa sa kalahati sa mga pabahay ang natitirahan ng mga benepisyaryo.

pagtiyak pa ng senador na mananagot ang lahat ng responsable sa pagpapatayo ng nasabing mga substandard na mga pabahay.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *