illegal
Metro

Mga motoristang lumalabag sa illegal parking, hindi na hahatakin

Simula ngayong araw, itinigil na ng MMDA ang paghahatak sa mga iligal na nakaparadang sasakyan sa mga pangunahing kalsada at alternatibong ruta.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay para maiwasan ang mga alegasyon ng pangingikil at pang-aabuso.

Sa halip ay pagmumultahin na ang mga driver ng mga sasakyan na makikitang nakaparada sa mga major road at Mabuhay Lanes.

Tatlong tiket aniya ang maaring iisyu sa mga lalabag mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Kabilang dito ang P200 para sa illegal parking at tig-P100 at P50 para sa paglabag sa traffic signs at obstruction.

Iginiit ng MMDA na dapat nang matigil na gamitin ang mga National Road at Mabuhay Lanes bilang parking area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *