Dengvaxia
National

Ilang pamilya ng mga naturukan ng Dengvaxia, nagsampa ng panibagong kaso

Panibagong reklamong kriminal kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia ang inihain sa Department of Justice (DOJ) ng mga magulang ng tatlong batang naturukan ng bakuna at namatay nito lamang Enero.

Ang panibagong batch ng reklamo ay ang pang-pito, pang-walo at pang-siyam na complainants.

Kasama sa mga naghain ng reklamo si Jeffrey Alimagno, ama ni Rei Jazztine Alimagno, 13 taong gulang, na namatay noong January 3, 2018; Zander Jaime na tatay ni Alexzander Jaime na pumanaw noong January 4 at Analyn Eboña, nanay ni Marc Axl Eboña na binawian naman ng buhay noong January 13.

Reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745 ang kanilang inihain laban sa mga nagsulong, nag-apruba at nagpatupad ng programang mass immunization laban sa dengue.

Kasama ng mga magulang na naghain ng reklamo si Public Attorneys’ Office (PAO) chief Percida Acosta na tumatayo nilang abogado sa kaso.

Kasama sa kanilang inirereklamo sina dating Health secretary Janet Garin, kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, pati na mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation at Sanofi Pasteurs.

Ayon sa PAO, ang mga namatay ay dumanas ng multiple organ failure at brain hemorrhage.

Ulat ni MJ Mondejar

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *