opisyal
National

Ilang opisyal ng BOC, sinibak

Sinibak ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña ang ilang opisyal ng ahensya na umano’y sangkot sa smuggling.

Tumanggi si Lapeña na pangalanan ang mga opisyal na tinanggal niya sa puwesto.

Tiniyak ni Lapeña na kabilang dito ang isang customs examiner ng  manila international container terminal, customs appraiser at ilan pang kawani ng container port.

Kaugnay ito sa tangkang pagpupuslit ng labinlimang milyong (P15-M) pisong halaga ng asukal mula Thailand.

Mismong si Lapeña ang nag-utos ng ire-examine ang kargamento matapos paghinalaang dinoktor ang pirma ng isang deputy commissioner para rito.

Natuklasan ni Lapeña na sampu sa dalawampu’t walong container na nasabat ay idineklarang semento pero asukal pala ang laman.

Kinilala rin nito ang consignee ng mga asukal na Don Trading na pag-aari raw ng isang Dennis Orland Narra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *