Metro

Ilang mga lungsod sa katimugang NCR at karatig-bayan ng Cavite, mawawalan ng tubig

ILANG mga lungsod sa katimugan ng Kalakhang Maynila at mga katabing bayan nito sa Cavite ang mawawalan ng suplay ng tubig.
Ayon sa Maynilad, mawawalan ng suplay ng tubig ang mga lungsod ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque kasama ang mga bayan ng Bacoor at Imus sa Cavite na magsisimula 5:00 ng umaga ngayong araw hanggang kinabukasan Oktubre 31.
Ani Maynilad, sanhi raw ng kawalan ng suplay ay ang pagkakabit nila ng mga bagong reverse osmosis assemblies sa Putatan Water Treatment Plant.
Layunin ng Maynilad, na mapaganda pa ang treatment capacity ng planta lalo na sa pagpanatiling “stable” nito sa pagsusuplay ng tubig kung sakaling magpalit na ng raw water mula sa Laguna Lake.
(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *