Houston Rockets
Sports

Ilang mga Houston Rockets player, hindi muna sasabak sa NBA

HINDI na muna makikita sa hardcourt ng NBA ang Houston Rockets player na si Chris Paul.

Ito ay sa ikalawang sunod na laro dahil sa iniinda nitong injury.

Nakuha ni Chris Paul ang kaniyang left leg sore matapos ang naging tapatan nila ng Cleveland Cavaliers noong nakaraang Sabado.

Ipapahinga muna ani Paul ang kaniyang nararamdaman at hindi makakalaro sa magiging game nila ng Washington Wizards ngayong araw.

Hindi din makakalaro pa sa ikatlong sunod na pagkakataon ang player na si Gerald Green dahil naman sa sore right ankle nito.

Ani Coach Mike D’antoni ng Rockets na titiyakin muna nila na 100 percent ok ang kaniyang mga manlalaro.

Bago muli itong pasabakin sa mga game.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *