dagdag-presyo
National

Ilang kumpanya ng langis, may dagdag-presyo ngayong araw

MATAPOS ang rollback noong nakaraang linggo ay dagdag-presyo naman ang sumalubong sa mga motorista simula ngayong araw.

Bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng krudo sa world market.

Epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga, may 90 sentimo na taas-presyo ang Shell sa kada litro ng kanilang gasoline.

Nasa 85 sentimo naman sa kerosene habang 55 sentimo sa bawat litro ng diesel.

Parehong presyo din ng presyo ng gasolina ang ipatutupad ng Petro Gazz, Eastern Petroleum, PTT Petroleum Philippines at Phoenix Petroleum maliban sa kerosene.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *