Mababang Kapulungan
National

Ilang kongresista, nagkasigawan sa sesyon ng Mababang Kapulungan

Nagkasagutan at nagkasigawan ang ilang kongresista sa sesyon ng Mababang Kapulungan.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang House Resolution 2025 na layong ilagay sa house record ang pagiging speaker ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Iginiit ni Fariñas na hindi dumaan ang resolusyon sa House Rules Committee na kanyang pinamumunuan.

Depensa ni Deputy Speaker at tumatayong Presiding Officer Rolando Andaya, hindi na si Fariñas ang majority leader noong naganap ang eleksyon kung saan itinalaga noong panahong iyun si Deputy Speaker Fredenil Castro.

Gayunpaman, naitala pa rin sa house records ang pagkakahalal kay Arroyo.

Gumawa ng eksena si ACT Party List Representative Antonio Tinio matapos suspendihin ni Representative Rolando Andaya ang sesyon ng Kamara.

Nagsisigaw si Tinio sa akalang pinatayan siya ng mikropono habang naglalahad ng kanyang point of order.

Dahil dito, napasigaw si Tinio na dapat daw mahiya ang mga kapwa niya kongresista.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *