pagpapatupad
National

Ilang kongresista, hati sa pagpapatupad ng TRAIN Law

Dahil sa nakaambang pagpapatupad ng ikalawang branch Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2, marami sa mga mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso  ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa isyu.

Sa naganap na ugnayan sa Batasan forum, iginiit nina Congressman Robert Ace Barbers at Cong. Roman Carlos Uybarreta na hindi dapat isisi sa TRAIN Law ang pagsipa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Aniya, maaga pa para husgahan ang epekto ng panukala dahil sa nasa tatlong buwan pa lamang ang nakakaraan mula nang ito’y maipatupad.

Para naman kay Congressman Arnie Teves, marapat na tanggalin na ang excise tax sa mga produktong petrolyo para maibasan ang epekto ng TRAIN.

Mainam din na palakasin ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) para doon kuhanin ang pondo para sa Build-Build-Build Program na binabagsakan ngayon ng pondo sa TRAIN Law.

Pinapasilip naman ni Congressman Sherwin Tugna kung naaabot ba ng nasabing mga sangay ang kanilang collection quota para maging source ng pondo sa Build Build Build Program..

Kamakailan ay iginiit ng House and Ways Committee na bukas sila na makipag-dayalago sa ibat-ibang sektor para mapag-usapan ang mga probisyon na nais nilang gawin sa TRAIN 2.

Matatandaan na umano ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ang pagdinig ng kamara sa TRAIN 2 dahil sa pagiging anti-poor nito.

Sa ngayon ay nasa komite level pa lamang ang diskusyon sa TRAIN 2.

Inflation rate sa bansa, normal lamang

Normal lamang na tumataas ang inflation sa bansa taun-taon.

Ito ang inihayag ni Department of Finance Spokesperson Asec. Paola Alvarez sa isinagawang press briefing sa Malakanyang kung saan ang pagtaas aniya ng inflation rate ay bahagya lamang at ito ay normal para sa isang lumalagong ekonomiya.

Giit pa ni Alvarez, ang inflation ay hindi lamang dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o train Law.

Dagdag pa ng Finance spokesperson, kinokonsidera rin ang ilang kadahilanan ng pagtaas ng inflation tulad ng global prices ng langis, pagbaba ng value ng peso at iba pa.

Sa katunayan, binigyang-diin ni Alvarez na 0.4 percentage points lamang ang naiambag ng TRAIN sa inflation.

Samantala, iginiit pa ni Alvarez na hindi nila basta-basta masususpinde ang TRAIN provisions dahil mahihirapan silang pondohan ang mga programa ng gobyerno gaya ng free education.

Sa kabila nito, marami nang mga mambabatas ang naghain ng panukalang batas at resolusyon para rebyuhin at bawiin ang TRAIN Law bunsod ng mabigat na epekto nito sa mamamayang Pilipino.

 

MJ Mondejar 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *