sumabak sa pulitika
Showbiz

Ilang celebrities na sumabak sa pulitika, wagi sa eleksyon

NANGUNGUNA at naging matagumpay ang pagtakbo ng ilang kilalang artista na sumabak sa pulitika ngayong 2019 midterm elections.

Isa na rito ang aktres na si Lucy Torres-Gomez na naungusan ng mahigit isang daang libong boto ang kaniyang katungali sa pagka-congressman ng ika-apat na distrito ng Leyte.

Gayundin ang kaniyang asawa at dating aktor na si Richard Gomez na tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City.

Todo-suporta at proud parents naman ang dating celebrity couple na sina comedy prince Vic Sotto at Coney Reyes sa tagumpay ng kanilang anak na si Vico Sotto sa pagputol ng dinastiya ng mga Eusebio bilang alkade ng Pasig City na nagsimula pa noong 1992

Looking good din ang results sa pagka-konsehal ng lungsod ng Makati para sa dancer-TV host na si Jhong Hilario.

Habang dinomina ni Lani Mercado ang botohan sa pagka-mayor ng Bacoor, Cavite gaya ng paglamang ng hearthrob na si Jestoni Alarcon sa kaniyang electoral bid bilang provincial board member ng Rizal 1st District.

Ilang lokal stars din ang bigo na makuha ang kanilang inaasam na posisyon sa gobyerno.

Gaya nalamang ng komidyante na si Roderick Paulante na natalo sa pagka-vice mayor ng Quezon City.

Laglag din sa congressional race ang action star na si Rommel Padilla at aktor na si Edu Manzano.

Hindi rin naging maganda ang resulta ng botohan para sa aktor na si Gary Estrada na siya namang tumakbo bilang vice-mayor ng Cainta.

Sa ngayon ay patuloy na inaabangan ang official proclamation ng mga Board of Canvassers sa mga wagi ngayong national at local elections.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *