fully booked bus
Regional

Ilang biyahe na pauwi sa iba’t ibang probinsya, fully booked na

ILANG araw bago ang Semana Santa, nagsisimula nang mafully-booked ang ilang biyahe na pauwi sa iba’t ibang probinsya.

Kabilang sa full-booked na ang biyahe sa Araneta Center Busport patungong Albay at ilan pang lalawigan mula Abril 12 hanggang 19.

Fully-booked na rin ang Victory Liner sa Sampaloc, Maynila para sa Abril 16 at 17.

Gayunman, sinabi ng pamunuan nito na maaari pang magpa-early booking para sa ibang petsa.

Patuloy rin ang mahigpit na seguridad ng mga pulis sa mga transport terminals.

Kahapon nang simulan na ng LTFRB ang pag-inspeksyon sa mga terminal ng bus bilang bahagi ng paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *