Jackie Robinson
Sports

Ika-100 birth anniversary ng player na si Jackie Robinson, gugunitain

GUGUNITAIN ng Major League Baseball ang ika-100 birth anniversary ng kauna-unahang black player sa history ng baseball na si Jakie Robinsons.

Ipinanganak si Robinsons noong January 31, 1919 at nagsimulang maglaro ng baseball noong 1947.

Pumanaw naman ito noong 1972 at napabilang sa mga inductee ng Baseball Hall of Fame, isang dekada ang nakalipas.

Magkakaroon naman ng mga series of events na inorganisa ng baseball organization na magsisimula din sa darating na Huwebes.

At bilang pagtanaw sa naging kontribusyon ng manlalaro sa larangan na baseball ay gagawaran ito ng Key to Brooklyn.

Kungsaan ito ay ibibigay sa naiwan nitong pamilya.

Matatandaang binuksan din ang Jackie Robinson Museum sa New York noong nakaraang Disyembre.

Upang mailathala ang matagumpay na karera at social impact ni Robinson sa mundo ng baseball.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *