NEDA
National

Hypothetical figure ng NEDA, fake news – Sen. Grace Poe

Iginiit ni Senadora Grace Poe na fake news ang sinabi ng National Economic Development Administration (NEDA) na hypothetical figure na sampung libong piso (P10, 000) kada buwan na kita para sa pamilya na binubuo ng limang miyembro.

The ‘hypothetical’ P10,000 per month income for a family of five given by NEDA is fake news.” – Sen. Grace Poe-Llamanzares

Sinabi ni Poe na ito ay pagtaya sa mga nakalipas na taon o bago ang age ng Facebook kung saan posible pang mabuhay ang pamilya sa nasabing halaga.

Dagdag ng mambabatas na tanging ekonomista lamang na naninirahan sa ilalim ng bato ang maniniwalang kayang mabuhay nang disente ng pamilyang may limang miyembro sa pamamagitan ng 334 pesos kada araw.

“It is a throwback estimate, meaning it was possible to survive on that amount 15 years ago, before the age of Facebook.” – Sen. Grace Poe-Llamanzares

 Giit ni Poe, magkakasya ang nasabing halaga kung pipilitin ang pamilya na magdiyeta at hindi mag-aral.

Aniya, maaring patunayan ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang thesis sa pamamagitan ng pagpapalabas ng reality show kung saan mabubuhay sila sa sampung libong pisong budget sa isang buwan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *