constitutional body
National

“Hybrid” constitutional body, walang ligal na basehan

Iginiit ni Deputy Speaker Fredenil Castro na walang legal na basehan ang mungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng “hybrid” constitutional body sa pag-amyenda ng Saligang Batas.

Ito ang reaksyon ni Castro kasunod ng pahayag ni Sotto na ang hybrid constitutional body ang makakatulong para maresolba sa kung anong paraan idadaan ang botohan sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Sotto, ang “hybrid” constitutional body ay bubuuin ng labindalawang senador, labindalawang congressmen, labindalawang nominees ni Pangulong Rodrigo Duterte at labindalawang nominees din mula sa civil society.

Una nang iminungkahi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na gawing joint ang botohan na pinalagan ng senado.

Nababahala si Castro dahil sa Hybrid Constitutional Committee ay posible lamang daw sa ilalim ng isang “revolutionary government,” kung saan maaring hindi raw sundin ang modes sa pag-amyenda ng konstitusyon.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *