National

Human rights, magiging paksa sa ASEAN Summit

MAGIGING paksa ang human rights sa 31st Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan, tatalakayin ang karapatang pantao sa ilalim ng pamunuan ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa katunayan aniya ay mayroon ng kasunduan na pipirmahan ang mga lider at ito ay ang consensus on the human rights of migrant workers.
Samantala, umaasa si Ablan na bubuti ang bilateral relations at maganda ang kalalabasan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kanilang one-on-one meeting.
Aniya, magpapartisipa si Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa tatlong araw na ASEAN Summit.
Inaasahan ding dadalo si Trump sa East Asia Summit na inisyal nitong kinansela dahil sa scheduling issue.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *