Sports

Homegrown players kailangang bigyang-pokus ng PBA teams

 


Dapat na iprayoridad ng mga koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) teams ang homegrown players kaysa sa mga manlalarong may dugong dayuhan.
Ayon kay dating PBA Chairman Buddy Encarnado, hindi niya masisisi ang teams na nagmamadaling maging kampeon.
Pero ito aniya ang dahilan kung bakit nakaliligtaan na ring magrekrut ng mga atleta mula sa mga probinsiya at puro na lamang mga foreigner na may dugong Pinoy ang nirerekrut.
Nangangamba si Encarnado na kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran ay magiging minority na lamang ang homegrown athletes sa sariling bayan.
Dagdag pa ng dating PBA chair, kailangang paigtingin pa ang professionalism sa mga manlalaro para tumagal ang mga ito sa liga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *