National

Hirit na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso ni Ginang Binay ibinasura ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ni dating Makati Mayor Dr. Elenita Binay na ipagpaliban ang lahat ng scheduled hearings para sa kinahaharap niyang kasong graft at malversation.
Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan, sinabi nito na walang merito ang mosyon ni Binay.
Wala naman umanong sapat na dahilan para ipagpaliban ng korte ang pagdinig sa mga kasong kinahaharap ng dating alkalde.
Nag-ugat ang mga kaso ng dating alkalde dahil sa maanomalyang pagbili ng lunsod ng hospital beds at sterilizers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *