TRO
National

Hiling ni Trillanes na TRO sa proclamation no. 572, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Senador Antonio Trillanes IV na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa proclamation no. 572 na nagpapawalang-bisa sa amnestiya nito.

Ipinauubaya na ng kataas-taasang hukuman sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang pagresolba sa usapin.

Kasunod ng inihaing mosyon ng Department of Justice (DOJ) laban sa senador.

Binigyan ang mga respondent ng sampung araw para magkomento sa petisyon ng senador.

Ngayong linggo ay diringin ng Makati RTC branch 148 at branch 150 ang magkahiwalay na mosyon ng DOJ.

Para sa warrant of arrest at Hold Departure Order (HDO) laban kay Trillanes.

Pagbasura sa hiling na TRO Sen. Trillanes, ikinatuwa ng DOJ

Ikinatuwa ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Humiling ito ng Termporary Restraining Order (TRO) laban sa proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang bisa sa kanyang amnestiya. Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang “extreme urgency” o matinding pangangailangan ang mosyon ni Trillanes.

Ito ay dahil itinakda na ng Makati Regional Trial Court (MRTC) ang pagdinig sa hiling ng DOJ na magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Trillanes.

NaKatakda itong dinggin sa dalawang magkahiwalay na korte sa Makati sa Setyembre a-trese at a-katorse.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *