Regional

Higit 100 centenarians sa Iloilo City pinagkalooban ng tig-P100k

Sandaan at siyam na senior citizens na nasa sandaang taong gulang sa Iloilo City ang pinagkalooban ng tig-P100,000.
Alinsunod ito sa Republic Act 10868 o Centenarian Act na nagbibigay- insentibo sa senior citizens na tumuntong sa ikasandaang taong gulang.
Umaasa naman ang mga opisyal sa Iloilo City na mabigyan pa ng tig-tatlumpung libong piso ang mga lolo at lola kapag naaprubahan na ang supplemental budget.
Sa 109 centenarians, labing-isa ang nagmula sa Bayan ng Lambunao.
Samantala, sa Rizal, arestado ang ikatlo sa most wanted drug suspect sa probinsiya.
Natimbog ng Rizal Provincial Drug Enforcement Unit ang top 3 high value target na si Jose Batom, 59 anyos.
Dati na umanong sumuko si Batom sa “Oplan Tokhang” ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *