high level
National

High level task force na pupunta sa Libya, binuo

Susundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advise sa kanya ng gabinete na bumuo ng high level member task force.

Ito ang siyang tututok sa hostage crisis sa Libya kung saan tatlong Pilipino at isang Koreano ang biktima.

Pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang high level all cabinet team na lilipad patungong Libya.

Kabilang sa team ang ilang Muslim members ng Duterte cabinet.

Ito ay sina Mindanao Development Authority Chair Secretary Abulkhayr Alonto at Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao.

Ipinunto ni Roque na isa sa problema na kinakaharap ng 3 Pinoy sa Libya ay hindi mga state agents ng nasabing bansa ang mga dumukot.

Kaya nararapat lamang na matataas na opisyal ng pamahalaan ang pumunta ng Libya.

Ito ay para makipag-ugnayan sa kanilang pamahalaan kaugnay sa mga ginagawa nitong hakbang para sa kapakanan ng mga dinukot.

Sinabi ni Pangulong Duterte na magpapadala ito ng dalawang frigate sa Libya kapag sinaktan ang mga kinidnap na mga Pilipino.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *