Health warning
National

Health warning, ilalagay sa ilang produktong may sangkap na asukal

Pinalalagyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng health warning o babala sa kalusugan ang ilang produktong may asukal.

Ito ang inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez upang mabigyan ng impormasyon ang mga mamimili kaugnay ng maaaring masamang epekto sa katawan ang maidudulot ng sobrang pagkain ng mga produktong may asukal.

Ayon kay Sec. Lopez, “There should be truth in advertising or his referring to truth in labeling.
What we want now is dapat may warning para bang sigarilyo may warning this can be dangerous to your health.”

Nais ng pangulo na mailagay ang babala sa bandang harapan ng anumang produktong may asukal.

Ilan sa mga produktong inaasahang malalagyan ng health warning ay ang softdrinks, energy drinks at iba pang sweet beverages.

Gayunpaman sinabi ni Lopez na magkakaroon muna ito ng konsultasyon sa mga stakeholders.

Sa ilalim ng TRAIN Law ay papatawan ng P6.00 per liter na excise tax ang mga sugar-sweetened beverages gayundin ang mga carbonated beverages, sports at energy drinks habang P12.00 per liter naman sa mga inuming na may high-fructose corn syrup.

Exempted naman ang mga 3-in-1 coffee at gatas sa excise tax.

Nakapaloob din sa TRAIN Law, na dahil sa mataas na sugar  content sa nasabing mga inumin ay nagiging dahilan ito para sa Type 2 diabetes.

Ayon sa DTI, sa susunod na dalawang buwan ay kailangang maipatupad  ang nasabing babala sa mga produktong may asukal.

Hanna Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *