National

Health Secretary Duque, pabor sa pagtatayo ng mga maliliit na ‘drug rehab’ sa mga komunidad

SANG-AYON ang bagong talagang si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mungkahi ni Dangerous Drugs Board (DDBChairman Dionisio Santiago na magpatayo ng mga Community-Based Drug Rehabilitation Center.
Ang importante, ayon kay Duque, ay mapalawak ang access sa rehabilitasyon ng mga drug dependent.
Kumbinsido ang kalihim na mainam kung may suporta ng komunidad at pamilya ang rehabilitasyon ng isang nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Pero hindi umano nangangahulugan na dahil mayroong malalaking regional center ay hindi na uubra ang pagkakaroon ng community-based center.
Ginawa ni Duque ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Santiago na nagkaroon ng miscalculation sa panig ng DOH nang imungkahi nito ang pagtatayo ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centersa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na may kapasidad na sampung libong pasyente.
Si Duque ay pormal nang naupo bilang kalihim ng DOH matapos niyang palitan sa kagawaran si Secretary Paulyn Ubial na pagkakatalaga sa pwesto ay hindi inaprubahan ng Commission on Appointments.
(Ulat ni Mike Almonte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *