National

Health Sec. Duque, muling nag-ikot sa ilang ospital sa Quezon City; Nagbabala sa paglalabas ng dengvaxia master list

Muling nag-inspeksyon si Health Secretary Francisco Duque sa mga dengue fast lane sa ilang ospital sa Quezon City.

Kabilang sa pinuntahan ni Duque ang Quirino Memorial Medical Center at East Avenue Memorial Medical Center.

Kinumusta rin ng kalihim ang ilang bata na naturukan ng Dengvaxia para matiyak na nabibigyan ang mga ito ng tamang serbisyo.

Una nang inihayag ni Duque na plano nilang magkaroon ng Dengvaxia fast lane sa mga pribadong ospital.

Samantala, pinaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang Department of Health (DOH) sa pagbabahagi ng Dengvaxia master list.

Ipinaalala ni NPC Commissioner Raymund Liboro sa DOH ang Data Privacy Act of 2012 (DPA) kung saan nakasaad na hindi dapat ibunyag ng public office ang anumang impormasyon sa isa pang ahensya ng gobyerno o anumang pribadong kumpanya nang walang pahintulot sa nagmamay-ari ng impormasyon.

Tinukoy ng NPC na naglalaman ng mga sensitibong personal na impormasyon ang master list na karamihan ay mga menor de edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *