Regional

Halos P5-M tulong sa mga biktima ng bus accident sa NE


Umaabot sa halos limang milyong pisong insurance benefits ang naibigay na sa ilang biktima ng nahulog na bus ng Leomarick Trans sa Carangglan, Nueva Ecija (NE).
Ayon kay Bong Nocum, assistant vice president ng sales and operations ng Passenger Accident Management Insurance (PAMI), P200,000 ang ibinigay sa mga pamilya ng mga nasawi samantalang P20,000 naman ang natanggap ng mga sugatan.
Bago makuha ang nasabing benepisyo ay kinakailangang maipakita ang mga kaukulang dokumento gaya ng death certificate ng mga nasawi.
Umapela rin si Nocum sa mga pamilya ng mga biktima na makipag-ugnayan lamang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) extension office sa Bayombong, Nueva Viscaya.
Bukas, araw ng Martes ay muling ipagpapatuloy ang pagkakaloob ng benepisyo sa mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *