Ipinagmalaki
Metro

Halos isang buwang walang aberya sa MRT, ipinagmalaki ng DOTR

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTR) ang halos isang buwan nang walang aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon sa DOTR, ito na ang pinakamatagal na walang naitalang aberya na nagpaantala sa biyahe ng naturang mass railways system sa loob ng pitong taon o mula taong 2011.

Matatandaan na ilang buwan din na halos araw-araw ay may naitatalang aberya ang mga tren ng MRT dahilan para kanselahin ng DOTR ang kontrata ng dating maintenance provider.

Sa kasalukuyan, ang pamunuan na ng MRT-3 ang nagmamantine ng mga tren nito.

Sa ngayon ayon sa DOTR, umaabot na sa labing-walo ang bumibyaheng tren ng MRT-3 mula sa dating pito hanggang walong tren lamang.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *