International

Halos 30 katao, patay sa naganap na sunog sa South Korea

Hindi bababa sa 29 ang namatay sa nasunog na sports center sa Jecheon sa North Chungcheong Province sa South Korea.
Ayon sa tala ng Korean Fire Agency, isa ito sa pinakamalalang insidente ng sunog sa bansa matapos ang siyam na taon.
Makikita sa establisyemento ang ilang restaurant, isang fitness center at public bath kung saan 20 biktima ang nadiskubreng na-trap sa sauna ng nasunog na gusali.
Hindi pa rin malaman kung ano ang sanhi ng sunog na nagdulot din ng sugat sa 29 na iba pang biktima.
Ayon din sa mga rescuer, tataas pa ang bilang ng mga biktima habang patuloy pa rin ang retrieval operations sa nasunog na gusali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *