Curry
Sports

GWS, planong mag-three peat champ – Curry

ATTAINABLE three-peat’, iyan ang matapang at pagmamalaki ni NBA star Stephen Curry sa naging pahayag nito sa media.

Inamin ng basketbolista na si Curry na pangunahing plano na nila ito ng kaniyang mga kapwa manlalaro sa Golden State Warriors.

Aniya sa pagpasok ng 2018-2019 season ay ang muling pagsungkit ng championship title ang kanilang target.

“Yes, winning a championship is the goal. How you get there and how your kind of break up that mission on a day-to-day, game-by-game, month-by-month basis is what makes us, I think, great.”

Dagdag pa ni Curry na kung paano nila tinatrabaho ang bawat laro ay ang isang bagay na bumubuo sa kanila.

Kaagapay naman nila ang isa’t-isa na masasabi ng manlalaro na isang biggest encouragement sa kanilang lahat.

“In terms of encouraging each other, being in tune with some of the things that might be thrown at you, whether it’s injuries, whether it’s a couple slumps on the court, playing-wise whatever the case is, we adapt really well and we don’t stay down for too long.”

Pagpapalinaw pa nito na hindi imposible ang kanilang layunin na magkampeon muli.

KUNG aayusin lang nila ang paglalaro tulad ng sa huling 3 taon nilang pagpapakitang gilas.

“But yeah, we understand that winning a championship is attainable if we take care of our business, and doing it three years in a row is a tremendous opportunity for us that we should not be afraid to talk about and go after.”

Kung babalikan ay nakapaglaro na ang Golden State Warriors sa apat na NBA championships at nakasungkit na ng 3 kampeonato.

Ngunit inaasam pa din ng koponan na maging kauna-unahang team na makapagpanalo ng 3 sunod na NBA titles.

Unang naitala ng Los Angeles Laker ang 3-Peat Championship noong 2000 hanggang 2002.

Nakatakda namang makaharap ng GSW ang Oklahoma City Thunder sa kanilang opening game sa 2018-2019 regular season ngayong October 16.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *