Metro

Guro, 2 nitong anak arestado sa pagbebenta ng shabu


Arestado ng mga awtoridad ang isang guro at dalawa nitong anak sa buy-bust operation sa Purok 8, Nabunturan sa Compostella Valey.
Isinumbong ng mga residente si Rocaya Mao at dalawa nitong anak na kinilalang sina Jhawerah, 23 anyos at Jamira, 21 anyos, na nagbebenta ng shabu sa nasabing probinsiya at maging sa Davao del Norte.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na negosyo ng pamilya Mao ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Nakuha sa mga suspek ang anim na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng anim na libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *