Gilas
National

Gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia, ikinadismaya ng Malakanyang

Ikinadismaya ng Malakanyang  ang nangyaring rambol sa basketball sa pagitan ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas at koponan ng Australia.

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat nauwi sa rambol kung inawat na sana.

Dito na nag-ugat ang rambol ng dalawang koponan na itinuturing ng tagapagsalita ng Palasyo.

Gayunpaman, naiintindihan ni Roque ang matinding emosyon.

Pero hindi nito inaasahan ang naging reaksyon ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa nangyari.

“We found the whole incident unfortunate. It was of course the height of being unsportsmanlike, but at the same time we appreciate, it should not have happened, but all we’re saying is that we empathize somehow with the feelings of our fellow Filipinos, which is not to justify their conduct.” – Sec. Harry Roque

Ang magandang gawin na lamang aniya ngayon ay hintayin ang anumang sanction ng FIBA kontra sa mga players na nadawit sa gulo bilang bahagi ng sportsmanship.

Umaasa naman ang Palasyo na hindi na mauulit ang mga ganitong klaseng insidente sa paglalaro ng basketball.

Hannah Jane Sancho

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *