GSW
Sports

GSW, positibong makuha muli sina Kevin Durant at Coach Steve Kerr

Umaasa si Golden State Warriors (GSW) General Manager Bob Myers na magkakaroon ng maganda at mabilis na negosasyon para muling makuha ang serbisyo nina Kevin Durant at coach Steve Kerr.

Posibleng pumirma ng kontrata si Durant sa Warriors ng hanggang 4 na taon na nagkakahalaga ng nasa $160-M at nakahanda si Myers para ibigay ang gusto nito.

Ayon kay Myers, “Sometimes you don’t negotiate. I’d love to have him for 10 years. Kevin Durant, look what he did for us last year. He did us a great service. He’s earned the right to sign whatever deal he wants. I just want him to sign a deal.”

Dagdag pa ni Myers, karapat-dapat lang na maibigay kay Durant ang gusto nito dahil sa malaking tulong niya para makuha ang dalawang sunod na kampeonato ng Warriors ngayong taon at last year.

Una ng nagpahayag si Durant na nais nitong manatili sa Warriors at makakuha pa ng kampeonato sa NBA.

Maliban dito sisikapin din muli ng Warriors na makuha si Coach Steve Kerr dahil na rin sa impresibong resulta nito mula nang ginabayan nito ang Warriors noong 2014.

Mayroon na lang natitirang 1 taon sa 4 na taong kontrata si Kerr.

Ayon pa sa dating NBA superstar, nais niyang manatili sa Warriors kahit hanggang 10 taon kung kaya pa nito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *