game 3
Sports

GSW, pinataob ang Rockets sa Game 3 NBA Western Conference Finals

Hindi pinaporma ng Golden State Warriors ang Houston Rockets sa game 3 ng kanilang laro  para sa NBA Western Conference Finals.

Ito’y matapos tambakan ng husto at talunin ng Warriors sa kanilang homecourt ang Rockets sa iskor na 126-85.

Mula sa unang kwarter hanggang sa matapos ang laro ay hindi pinatikim ng lamang ng defending champion Warriors ang naghahamong Rockets.

Dahil sa panalo ng Warriors, nakuha nila ang NBA record na 16 na sunod sunod na panalo sa PlayoffS sa kanilang balwarte o homecourt.

Nanguna para sa Warriors si Steph Curry sa kanyang 35 points kung saan nakabuslo ito ng 5 three points.

Nag-ambag din sa Warriors si Kevin Durant na may 25 points.

Nagkasya naman sa 20 point si Rockets star James Harden at ang guard na si Chris Paul sa kanyang 13 points.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *