Sports

GSW pasok na sa Western Conference semis


Umabante na sa Western Conference semifinals ang Golden State Warriors (GSW) matapos talunin ang Portland Trail Blazers, sa score na 128-103.
Sa unang quarter pa lang ay nagtala na ang Warriors ng playoff high 45 points.
Nanguna sa opensa ng Warriors si two-time MVP Stephen Curry sa kanyang 37 points, 8 assists at pitong 3-pointer.
Binigyan naman ng standing ovation si Damian Lillard ng Trail Blazers bilang pagkilala sa naiambag niya sa koponan sa buong National Basketball Association (NBA) season.
Makahaharap ng Warriors ang mananalo sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Utah Jazz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *