Sports

GSW hawak na ang 2-0 lead sa semis vs Jazz


Hawak na ng Golden State Warriors (GSW) ang 2-0 lead sa National Basketball Association (NBA) Western Conference Semifinals matapos talunin ang Utah Jazz sa score na 115-104.
Pinangunahan ni Kevin Durant ang Warriors sa Game 2 ng Best-of–Seven Series sa kanyang double-double performance na 25 points at 11 rebounds.
Nag-ambag naman si Draymond Green ng 21 points, kung saan ay lima rito ang three-pointer.
Nasayang naman ang 33 points ni Gordon Hayward para sa Jazz.
Magaganap ang Game 3 sa home court ng Jazz sa Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *