Gordon Hayward
Sports

Gordon Hayward, excited ng tumapak muli sa hardcourt

HANDANG-handa na muling sumabak at tumapak sa hard court ang forward Boston Celtics player na si Gordon Hayward.

Matapos ang matagumpay na surgery at rehab ng NBA player.

Aasahan ang NBA appearance ng basketbolistang si Hayward sa darating na opener game.

Gaganapin ang opener game sa October 16 ng Celtics kontra Philadelphia 76ers sa pagbubukas ng 2018-19 regular season.

Sa naging pahayag ni Hayward, ang pinakamahirap at sumubok sa kaniya sa buong proseso ng pagpapagaling ay ang mental challenge.

Pero paglilinaw niya na 100 percent healthy at prepared na ito para muling maglaro.

Dagdag pa nito nahanap niya sa kaniyang sarili ang paglaban sa lahat ng kaniyang pinagdaanan.

Matatandaang na-injure ang Celtics’ top free agent na si Hayward sa 1st quarter ng opening game ng Celtics last season.

Nagdulot ng broken tibia at dislocation ng kaniyang ankle sa kaniyang kaliwang binti.

Dahil dito hindi na natapos ni Hayward ang last season at nangailangan pa ng mas madaming surgery noong Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *