Tiger Woods
Sports

Golf star Tiger Woods at Phil Mickelson, maghaharap

KASADO na nga ang pagtatapat ng longtime golf rivals na sina Tiger Woods at Phil Mickelson.

Ito ay sa isang $9 million winner-take-it-all match.

Mangyayari ang harapan ng dalawang great golfers sa Shadow Creek sa Las Vegas ngayong darating na Biyernes.

Sa naging conference naman nila nitong Martes, hinamon ni Mickelson si Woods sa isang side-bet challenge.

Aniya, kung sakaling makapag-goal ito sa unang hole ng match ay handa itong tumaya ng karagdagang $100, 000.

Kumpiyansa namang sumagot si Tiger Woods at tinanong kung nakakasigurado ba ang golfer na si Mickelson sa kaniyang bet.

Agad namang pumayag si Woods at hinamon din ang katunggali nitong si Mickelson na dodoblehin ang kaniyang taya.

Ang 14-time major champion na si Woods at five-time major winner na si Mickelson ay maghaharap sa 415 yard par 4.

Nakatakda namang i-donate ang kanilang mapapanalunan sa kani-kanilang chosen charity.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *